Hinayjack na 10-wheeler truck, nabawi
February 26, 2003 | 12:00am
Nabawi ng Valenzuela police ang na-hijack na ten-wheeler truck na pag-aari ng Universal Robina Corporation na naglalaman ng halagang P600,000 ng ibat-ibang produkto, kahapon ng madaling-araw sa nasabing lungsod.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling araw nang matagpuan ang nasabing truck na may plakang DVT-536 habang nakaparada sa kahabaan ng Apolono St., Mapulang Lupa ng nasabing lungsod.
Kasama sa nakita ng pulisya ang driver ng truck na si Virgilio Irang, 38, at ang helper nitong si Allan Albacino, 23, na kapwa nakatali ang mga kamay at may tapal na masking tape sa bibig sa loob ng nasabing 40-footer container van.
Sa imbestigasyon ng pulisya, umalis sa FCIE Warehouse sa Dasmariñas, Cavite ang naturang truck na minamaneho ni Irang dakong alas-9 kamakalawa ng gabi.
Dakong alas-11 ng gabi nang mapaulat na hinarang ito ng tatlong armadong di-kilalang kalalakihan sa harap mismo ng pabrika ng Universal Robina Corporation na matatagpuan sa Bagong Ilog, Pasig City.
Ayon sa driver, tinutukan umano sila ng baril ng mga suspect habang itinatali ang kanilang kamay at nilagyan ng masking tape ang kanilang mga bibig bago sila inilagay sa likod ng truck.
Nadiskubre naman ang na-hijack na truck matapos na ipaalam sa Traffic Management Group ang pagkawala nito.
May hinala ang pulisya na posible umanong basta na lamang iniwan ng mga suspect ang nasabing truck matapos na matunugan ng mga itong nakatimbre na ang nawawalang 40-footer container van. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended