^

Metro

Apo ni JPE, 2 pa timbog sa cellphone snatching

-
Tatlong kabataang lalaking pawang sinasabing mga anak mayaman, kabilang dito ang nagpakilalang apo ni dating Senator Juan Ponce Enrile ang dinakip ng pulisya makaraang gulpihin at agawan ng cellphone ang isang estudyante, kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Kinilala ang mga suspect na sina Justine Francis Ponce Enrile-Yanko, ng North Greenhills Subdivision, San Juan Metro Manila; Mathias Carl Kier IV, ng AIC Gold Tower, Emerald Avenue, Ortigas Center, Pasig City at Jean Kim, ng Galeria de Magallanes, Makati City. Ang tatlo na pawang 16-anyos ay mga high school student.

Nakilala naman ang biktima na si Anil Shroff, 14, high school student sa Colegio de San Agustin na matatagpuan sa Dasmariñas Village, Makati City.

Ayon sa reklamo ng biktima kay PO2 Ricky Mel Corpuz, ng Theft and Robbery Section, naganap ang insidente dakong alas-3 kamakalawa ng hapon sa harap ng Gate 4 ng nabanggit na paaralan.

Nabatid na nakatayo ang biktima sa harap ng gate nang biglang dumating ang isang Nissan Trooper na may plakang DON-626 sakay ang tatlong suspect.

Bumaba ang tatlo at saka biglang inagaw ang 6100 cellphone ng biktima at pagkatapos ay pinagtulung-tulungan pang bugbugin ito.

Nagkataon naman na may dumadaang nagpapatrulyang pulis kung kaya dinala sa himpilan ng pulisya ang tatlo.

Sa himpilan ng pulisya nagyabang pa umano si Justine Francis na apo siya ni JPE.

May hinala ang pulisya na malamang na napag-tripan lamang ng tatlo ang biktima at ang alegasyon ng mga ito na ang cellphone ng biktima ay hiniram lamang nito sa isa nilang kaibigan ay walang matibay na basehan.

Matapos ang mahabang komprontasyon, pinatawad rin ng biktimang si Shroff ang tatlo kung kaya napalaya rin ang mga ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANIL SHROFF

EMERALD AVENUE

GOLD TOWER

JEAN KIM

JUSTINE FRANCIS

JUSTINE FRANCIS PONCE ENRILE-YANKO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MATHIAS CARL KIER

NISSAN TROOPER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with