Hindi pinayagang makaalis ni PNP-ASG director Chief Supt. Jesus Verzosa, ang dalawang eroplano ng Cebu Pacific na may flight bilang 5J-851 na patungo sana ng Zamboanga City at ang flight 5J-473 na patungo naman ng Bacolod.
Ayon kay Verzosa, ininspeksyon muna ng kanyang mga tauhan ang nasabing mga eroplano bago ito pinayagang makaalis ng Manila Domestic Airport.
"Nabalam lamang ng ilang oras ang pag-alis ng dalawang eroplano dahil pina-inspeksyon ko muna sa bomb disposal unit ang mga ito para mapangalagaan ang seguridad ng mga pasahero," ani Verzosa.
Ang Cebu Pacific fligt patungong Bacolod City ay may sakay na 37 pasahero kabilang dito ang isang bata. Samantalang ang eroplano namang patungong Zamboanga City ay may 114 pasahero kasama ang isang sanggol.
Binanggit pa umano ng frank caller na ang bomba ay inilagay sa cargo compartment ng mga eroplano. (Ulat ni Butch Quejada)