Kinilala ni Supt. Ronald Estilles, hepe ng Parañaque City Police ang dinakip na suspect na si Salvacion Malubay, tubong Cagayan de Oro, naninilbihang katulong sa mag-asawang biktima na sina Primo, 63, at Catalina Espiritu, 55, ng Ilang-Ilang St., Sitio Matatdo, Greenheights Subdivision, Barangay San Isidro ng lungsod na ito.
Nabatid sa pulisya na ang mga alahas ng mga biktima ay nakuha mismo sa suspect kaya kaagad nila itong dinakip.
Habang iniimbestigahan ang suspect, wala itong maisagot sa mga pulis kung kayat naghinala ang pulisya na may malaki itong kinalaman sa krimen.
Magugunitang natagpuang patay sa loob ng kanilang kuwarto ang mag-asawang biktima at wala ang mahahalagang gamit at alahas ng mga ito.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon para alamin kung sino pa ang posibleng kasabwat ni Malubay sa naganap na krimen. (Ulat ni Lordeth Bonilla)