^

Metro

Kamukha ni Saddam Hussein, dinedo

-
Isang lalaki na umano’y kamukha ni Iraqi President Saddam Hussein ang pinagtulung-tulungan saksakin ng dalawang kalalakihan habang magkasabay na nag-iinuman kahapon ng madaling araw sa Old Sta. Mesa, Maynila.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Rodolfo Anen Aman, ng 3686 San Martin St. Old Sta, Mesa ng naturang lungsod sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Mabilis namang nakatakas ang mga suspect na nakilala lamang sa mga pangalang Loloy at Kano.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, alas 2:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Langka St. sa Old Sta. Mesa.

Kasalukuyang nag-iinuman ang biktima kasama ang ilan pang kaibigan kung saan nasa katabing mesa naman nag-iinuman ang grupo ng suspect.

Bigla umanong biniro ng mga suspect si Aman na kamukha ito ni Iraqi President Saddam Hussein.

Nagalit ang biktima at kinompronta ang mga suspect ng pasigaw.

Nairita din ang mga suspect at agad na binunot ang kanilang dalang mga patalim at pinagtulungang pagsasaksakin si Aman.

Ayon naman sa ilang saksi matagal nang may galit ang mga suspect sa biktima kung kaya’t hinintay lamang ng una ang pagkakataong makasabay sa inuman si Aman.

Nabatid na tahimik na tao lamang ang biktima at walang nakakaaway maliban sa mga suspect.

Nagsasagawa naman ng folow-up operation ang pulisya upang agad na madakip ang mga suspect. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AMAN

AYON

IRAQI PRESIDENT SADDAM HUSSEIN

LANGKA ST.

OLD STA

RODOLFO ANEN AMAN

RUDY ANDAL

SAN MARTIN ST. OLD STA

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with