Patay na nang matagpuan ang biktima na nakilalang si Abraham Manganip, 53, ng Sarmiento Village, Barangay Banlat, ng nabanggit na lungsod bunga ng tinamong mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Wala pang matukoy ang pulisya na suspect sa naganap na krimen.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon natagpuan ang labi ng biktima dakong alas-6:55 ng umaga ng mismong kanyang misis na si Norma.
Bubuksan umano ni Norma ang kanilang tindahan ng makita na nakahandusay ang mister.
Malaki ang paniwala ng pulisya na pagnanakaw ang motibo sa naganap na pagpaslang sa biktima makaraang matuklasang nawawala ang mga singil nito sa pautang maging ang kinita sa tindahan.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito, gayundin ang pagtugis sa mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)