Tenant binoga ng magtiyo
February 22, 2003 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang magtiyuhin ang isang 41-anyos na lalaki na kanilang tenant makaraang malaman ng mga ito na nagbabalak nang lumipat ng bahay ang huli, kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Manila.
Namatay noon din ang biktimang si Orlando Manalo, 41, ng 1204 Tambunting St., ng nasabing lugar makaraang magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Habang ang mga suspect na nakilala namang sina George at Leonardo Mensero ay mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Ayon sa ulat ng WPD police, dakong alas-3:10 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa harap mismo ng bahay ng biktimang si Manalo.
Nabatid pa na bago naganap ang krimen ay nag-iinuman ang magtiyuhing suspect ng biglang dumating ang biktima kung saan niyaya ito ng dalawa na uminom subalit tumanggi ang huli.
Nabatid na nalaman na ng magtiyuhin ang planong paglipat ng bahay ng biktima kung kaya kinukumbinsi nila itong huwag ng ituloy.
Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay umuwi ng bahay si George at pagbalik ay armado na ito ng baril at saka pinaputukan ang biktima subalit hindi agad ito tinamaan.
Dahil sa hindi pa nakuntento ang mga suspect ay pinutulan ng kuryente ang bahay ng biktima na naging dahilan upang muling magkaroon ng pagtatalo. Dito muling pinaputukan ng bala ng baril ng mga suspect si Manalo na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.
Mabilis na tumakas ang magtiyo matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended