9-anyos nabaril at napatay ng pulis
February 22, 2003 | 12:00am
Isang 9-anyos na batang lalake ang nasawi makaraang tamaan ng ligaw na bala na pinakawalan ng isang pulis na nakipaghabulan at nakipagpalitan ng putok sa isang pusher, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Namatay habang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si John Rendel Enriquez sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.
Kaagad namang sumuko ang suspect na pulis na nakilalang si PO3 Alberto Aladano na nakatalaga sa Police Community Precint 9 ng Pasay City Police matapos ang insidente.
Base sa report ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa harapan ng bahay ng biktima sa #3369 kanto ng Bagong Silang at Dimasalang St., Barangay Baclaran, Parañaque City.
Napag-alaman na nagsagawa umano ng buy-bust operation si PO3 Aladano kasama ang iba pang pulis laban sa isa umanong pusher na nakilala lamang sa alyas na Eboy.
Ayon pa sa ulat, nakahalata ang pusher sa bitag na inilatag sa kanya kaya kaagad itong nagtatakbo. Hinabol ito ng mga pulis.
Pagsapit sa tapat ng bahay ng biktima, pinaputukan umano ng pusher ang tropa ng pulisya kaya napilitan umano si Aladano na gumanti ng putok subalit imbes na sa pusher tumama ay ang biktima na noon ay nakatayo sa harap ng kanilang bahay ang siyang tinamaan.
Kaagad na isinugod sa pagamutan ang bata subalit hindi na rin nakaligtas pa sa kamatayan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest