Kasabay nito, itinakda ni Judge Alex Quiroz ng Pasig RTC Branch 156 ang arraignment sa kaso ni Strunk sa darating na Marso 11 dakong 8:30 ng umaga ng taong ito.
Sinabi ni Lorie Uson, acting Clerk of Court na ang warrant of arrest laban kay Strunk ay kanilang ipadadala sa mismong address nito dahil ang akusado ay kasalukuyang nasa ibang bansa.
Si Strunk ay lumabas sa bansa at nagtungo sa Estados Unidos matapos ituro ng bumaligtad na self-confessed killer na si Philip Medel Jr. na siya umanong utak sa krimen.
Sinabi ni Uson na tungkulin ng korte na isyuhan ng warrant of arrest si Strunk dahil ito ang pangunahing suspect sa kaso at bahala na ang pulisya na dakpin ito.
Samantala, ang extradition treaty sa kaso ni Strunk ay tungkulin na umano ng Department of Justice (DOJ).
Hindi na nagpalabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Medel dahil kasalukuyan itong nasa kustodya ng National Bureau of Investigation at dadalhin na lamang ito sa nasabing Pasig RTC sa oras ng paglilitis. (Ulat ni Joy Cantos)