Mga residente ng Sitio Tatalon na 'high' sa nasunog na marijuana
February 21, 2003 | 12:00am
Nagkahilo ang maraming residente sa Sitio Tatalon, Barangay Ugong, Valenzuela City makaraang malanghap nila ang mga nasusunog na pinatuyong marijuana sa tambakan ng basura, kamakalawa ng umaga sa nasabing lungsod.
Tinatayang aabot sa kalahating milyong pisong halaga ng tuyong marijuana ang natagpuan ng mga elemento ng Valenzuela City Police Drug Enforcement Unit sa naturang lugar.
Sa inisyal na ulat ang mga nadiskubreng marijuana ay tumitimbang ng may 67 kilo.
Ayon sa pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ang mga marijuana sa tapunan ng basura sa Colon Compound, Sitio Tatalon na nadamay sa mga sinunog na basura na siyang nalanghap ng mga residente.
Hindi pa mabatid kung sino ang nag-iwan ng naturang marijuana, subalit ayon sa mga residente bago ito ay nakita nila ang isang kotse na paikut-ikot sa lugar at parang may hinahanap. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended