Kinilala ni BoC Commissioner Antonio Bernardo ang suspect na si Erlinda Aguilar, cashier II na nakatalaga sa Disbursing Section ng NAIA-Customshouse.
Ayon sa ulat ng internal inquiry and investigation division nabatid na nagkaroon ng cash advance si Aguilar ng halagang P10.1 milyon sa Land Bank of the Philippines noong nakalipas na Mayo 2, 2002 para sa suweldo, mid-year bonus at cash incentives ng mga empleyado ng BoC.
Nang magkaroon ng audit kay Aguilar, natuklasang nagkaroon ito ng shortage na umaabot sa halagang P3,854,410. Pinagpaliwanag si Aguilar subalit hindi umano nito nakumbinsi ang mga auditor.
Si Aguilar ay nahaharap sa kasong malversation of public funds bukod pa sa kasong administratibo na dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service. (Ulat ni Butch Quejada)