^

Metro

Cashier sa BoC kinasuhan sa P3.8-M anomalya

-
Isang cashier ng Bureau of Customs na nakadestino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isinailalim sa preventive suspension kasabay ng paghaharap ng kasong administratibo laban dito dahil sa pagdispalko ng halagang P3.8 milyong halaga ng payroll money para sa mga kawani sa bureau.

Kinilala ni BoC Commissioner Antonio Bernardo ang suspect na si Erlinda Aguilar, cashier II na nakatalaga sa Disbursing Section ng NAIA-Customshouse.

Ayon sa ulat ng internal inquiry and investigation division nabatid na nagkaroon ng cash advance si Aguilar ng halagang P10.1 milyon sa Land Bank of the Philippines noong nakalipas na Mayo 2, 2002 para sa suweldo, mid-year bonus at cash incentives ng mga empleyado ng BoC.

Nang magkaroon ng audit kay Aguilar, natuklasang nagkaroon ito ng shortage na umaabot sa halagang P3,854,410. Pinagpaliwanag si Aguilar subalit hindi umano nito nakumbinsi ang mga auditor.

Si Aguilar ay nahaharap sa kasong malversation of public funds bukod pa sa kasong administratibo na dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service. (Ulat ni Butch Quejada)

AGUILAR

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

DISBURSING SECTION

ERLINDA AGUILAR

ISANG

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SI AGUILAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with