^

Metro

Judge timbog sa pangongotong

-
Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang hukom sa kasong pangingikil kapalit ng pagbibigay ng paborableng desisyon sa isang kasong hawak nito.

Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang dinakip na si Municipal Trial Court Judge Henry Domingo ng San Ildefonso Bulacan.

Sa isinagawang imbestigasyon ng NBI Anti Fraud and Computer Crime Division ang pagdakip sa huwes ay base sa reklamong iniharap ng biktimang si Ildefonso Cuevas na may kasong falsification of public document na nakabinbin sa sala ni Domingo.

Nabatid na noon lamang nakalipas na Pebrero 7 nagkaroon umano ng pagdinig sa kaso ni Cuevas ngunit humarap ito sa korte ng hindi kasama ang kanyang abogado kung kaya’t ipinatawag ito ni Domingo sa loob ng kanyang chamber.

Tinanong pa umano ng huwes ang biktima kung ano ang maitutulong niya sa kasong kinakaharap ng huli, kung saan nagpahiwatig ito ng indikasyon na paghingi ng ‘lagay’ para sa isang paborableng desisyon sa biktima.

Ang suspect din umano ang nag-alok sa biktima na magkita sila sa La Familia Restaurant upang doon pag-usapan ang nasabing kaso.

Dahil dito’y humingi ng tulong ang biktima sa NBI.

Nagdala ng halagang P10,000 marked money at P10,000 tseke ang biktima nang makipagkita ito kay Judge Domingo.

Nasa aktong tinatanggap ng huwes ang pera ng lapitan ito at dakpin ng mga tauhan ng NBI. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ANTI FRAUD AND COMPUTER CRIME DIVISION

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

DOMINGO

ILDEFONSO CUEVAS

JUDGE DOMINGO

LA FAMILIA RESTAURANT

MUNICIPAL TRIAL COURT JUDGE HENRY DOMINGO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ROSE TAMAYO

SAN ILDEFONSO BULACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with