6 pang suspect sa Prudential Bank holdap, arestado

Anim pang suspect sa panghoholdap sa Prudential Bank sa Parañaque City noong Pebrero 10 ang nadakip ng pulisya makaraang inguso ito ng magkapatid na nauna ng nadakip sa Iloilo City.

Nakilala ang anim pang nadakip na suspect na sina Fidel Tipo, 44; Reynaldo Bacolod, 49; Rodolfo Amistoso, 48; Rodolfo Leyte, 64; Arnel Ramirez at Alvin Aranas, 22.

Nasakote ang mga nabanggit sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon kamakalawa ng gabi sa Barangay CAA compound sa Las OInas City atTUP Compound sa Bicutan, Taguig.

Pinaghahanap pa ang dalawang suspect na kapwa babae na nakilalang sina Eliza Dizon at Teresita Riwa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments