P20-M halaga ng ari-arian, tupok sa sunog
February 19, 2003 | 12:00am
Tinatayang aabot sa P20 milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok sa sunog na naganap kahapon ng umaga sa Brgy. Potrero, Malabon City.
Base sa ulat ng Malabon City Fire Bureau, nagsimula ang sunog dakong alas-8:10 ng umaga sa isang squatters area sa Macopa Road ng nabanggit na bayan kung saan mabilis na kumalat ang apoy na lumamon sa 700 kabahayan.
Ayon kay SFO2 Alvin Torres, unang nakarinig ng malakas na pagsabog ang mga residente ng nabanggit na lugar mula sa isang bahay sa 131 Macopa Road na sinundan pa ng dalawang magkasunod na pagsabog na hinihinalang nagmula sa LPG tank.
Doon umano nagsimulang lumagablab ang apoy na nagdamay sa magkakalapit na bahay. Iniulat na umaabot sa 5,000 residente ang nawalan ng tahanan.
Nabatid na umabot sa general alarm ang nasabing sunog na tuluyan namang naapula dakong alas-11:25 ng umaga kahapon kung saan ay wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa nasabing insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended