^

Metro

Koreana ninakawan, tinodas sa simbahan

-
Isang Koreanang lola ang nasawi makaraang hatawin ng matigas na bagay sa ulo at pagnakawan pa ng suweldo ng isang guwardiya sa loob mismo ng isang simbahan sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Ronald Estilles, hepe ng Parañaque Police ang biktima na si Byung Rae Kim Rabello, 67, stay-in katiwala sa Korean Union Church na nasa Capernaum St., Multinational Village, Barangay Moonwalk ng nabanggit na lungsod.

Mabilis namang tumakas ang suspect na kinilalang si Vellaros Gambong, 25, sikyu ng Fuentes Security Agency na nakatalaga sa nabanggit na simbahan.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Carlos Rotoni, may hawak ng kaso naganap ang insidente dakong alas-11 kamakalawa ng gabi sa loob ng nabanggit na simbahan.

Nadiskubre ng isang Mi Young Park, na isa ring Korean national ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa lapag. Nasa tabi nito ang isang walang lamang pay envelope na doon nakasulat ang halagang P20,000.

Wala na rin doon ang sikyu na si Gambong na siyang target ngayon ng manhunt operation ng pulisya.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang krimen. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BARANGAY MOONWALK

BYUNG RAE KIM RABELLO

CAPERNAUM ST.

CARLOS ROTONI

FUENTES SECURITY AGENCY

ISANG KOREANANG

KOREAN UNION CHURCH

LORDETH BONILLA

MI YOUNG PARK

MULTINATIONAL VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with