^

Metro

WPD cop, seaman timbog sa kidnap

-
Naaresto ng mga kagawad ng Valenzuela City Police sa isang entrapment operation ang isang pulis Maynila na itinuturong utak sa pagkadukot sa isang estudyanteng Chinese na kinidnap noong Pebrero 15 sa aktong tinatanggap ang ransom money sa kaibigan ng biktima, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Jose Policarpio Marcelo, hepe ng Valenzuela City Police ang naarestong mga suspect na si Marlon San Pedro, alyas Pio, nakatalaga sa Manila Police Station 11, na sinasabing utak sa nasabing kidnapping. Nadakip din ang isa pang kasamahan nito na si Ireneo San Andres, 33, seaman.

Sa ulat na tinanggap ni Marcelo, nadakip ang mga suspect dakong alas-6:30 ng gabi sa Rosal St., Villa Teresa, Barangay Marulas, Valenzuela City sa aktong tinatanggap ang hindi binanggit na halaga ng ransom money kapalit ng kalayaan ng kidnap victim na si Lei Niu, 29, ng Jade Garden Town Homes, Don Pedro, Marulas, Valenzuela.

Nabatid na dakong alas- 5 ng hapon noong nakalipas na Pebrero 15 nang umano’y arestuhin ng grupo ni San Pedro ang biktima kasama pa ang dalawang Chinese na sina Lu Cong at Bian Jiang makaraang magsuntukan sa may Binondo Church sa Manila.

Dinala ang tatlo sa istasyon ng pulisya sa may Divisoria at doon inimbestigahan. Unang napalaya sina Cong at Jiang makaraang magbigay ng halagang P20,000 kay San Pedro kapalit ng kanilang kalayaan.

Naiwan si Niu makaraang mabigong magbigay ng $11,000 na hinihingi ni San Pedro. Ang biktima ay dinala sa isang barung-barong at doon itinago.

Tanging ang kaibigan ni Niu na si Michael Lin na nakipagkasundo na magbabayad ng P81,000 ransom mapalaya lang ang kanyang kaibigan.

Kamakalawa ng gabi itinakda ang bayaran at lingid sa kaalaman ng mga suspects ay nakapagsumbong na sa pulisya si Lin.

Pagkaabot sa naturang halaga ay agad na dinakip sina San Pedro at San Andres na noong una ay nagtangka pang tumakas subalit naagapan sila ng pulisya. (Ulat ni Rose Tamayo)

BARANGAY MARULAS

BIAN JIANG

BINONDO CHURCH

DON PEDRO

IRENEO SAN ANDRES

JADE GARDEN TOWN HOMES

JOSE POLICARPIO MARCELO

LEI NIU

SAN PEDRO

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with