Manggagantsong faith healer isinuplong ng mga biktima
February 18, 2003 | 12:00am
Dinakip ng pulisya ang isang faith healer matapos na isuplong ng tatlo niyang biniktima na kanyang ginamot at pagkatapos ay nilimasan ng pera at mga alahas.
Kinilala ang dinakip na bulaang manggagamot na si Cading Suarez, 19, bakla, ng San Jose Montalban.
Si Suarez ay dinakip ng pulisya matapos ipagharap ng reklamo ng tatlo niyang biktima na sina Eva Todo, 36; Teodora Valenzona, 50 at Bernarda Garcia, 44.
Base sa ulat, dakong ala-1 kahapon ng hapon nang maaktuhan ng mga biktima ang suspect na nanloloko ng panibagong mga kostumer kung kaya pinaaresto nila ito sa mga pulis.
Nabatid na ang suspect ay nagtitinda ng herbal oil kasama ang isang Aeta. Ang mga paninda umano ay gamot sa lahat ng uri ng karamdaman tulad ng sakit sa puso, rayuma, athritis, diabetic at iba pa.
Napag-alaman na kapag nagka-interes sa tinda ay pipilitin na nito ang kostumer na isama siya sa bahay para sa isang ritual o seremonya.
Kapag nasa bahay na ay gagamitan na nito ng hipnotismo ang mga biktima. Hihingan pa umano nito ng pera at salapi ang mga sumasailalim sa ritual na kailangan ito para ibigay sa mga duwende na nasa bahay ng mga biktima dahilan ng pagkakasakit nito.
Bago magkamalay ang mga biktima ay tangay na ng suspect ang kanilang inialay sa duwende. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended