^

Metro

Holdaper pinatay sa gulpi ng taumbayan

-
Sabog ang ulo ng isang holdaper, makaraang tubuhin at pagtulungang bugbugin ng taumbayan matapos na holdapin ang isang negosyante kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Dead on arrival sa Parañaque Community Hospital ang suspect na nakilalang si Chito Cruz, 24, sanhi ng tinamong pinsala sa kanyang bungo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, humingi ng tulong sa taumbayan ang biktima na si Sally Roxas, 45, ng Y. Rodriguez St. Brgy. Baclaran ng nasabi ding lungsod.

Kasalukuyang naglalakad sa Taft Ave. dakong ala 1 ng madaling araw si Roxas nang holdapin ng suspect kasama ang isa pang lalaki na nakilala lamang sa pangalang Dondon na mabilis na nakatakas.

Tatangayin na ng suspect ang bracelet at kuwintas ni Roxas nang humingi ito ng saklolo sa taumbayan.

Tinangka ni Cruz na tumakas subalit minalas ito at nakorner ng taumbayan hanggang sa bugbugin at paluin ng tubo sa ulo.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang kasamahan ni Cruz na si Dondon na posibleng muling mambibiktima ng mga sibilyan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

CHITO CRUZ

COMMUNITY HOSPITAL

CRUZ

DONDON

LORDETH BONILLA

RODRIGUEZ ST. BRGY

ROXAS

SALLY ROXAS

TAFT AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with