^

Metro

Pedicab driver, 2 anak tiklo sa droga

-
Isang pedicab driver at dalawang anak nito na paslit ang inaresto ng mga tauhan ng WPD-Drug Enforcement Unit sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng umaga sa Vito Cruz, Maynila.

Nakilala ang suspect na si Renato Briones, 37, may asawa ng 1696 F. Muñoz St. Pasay City at dalawa pang anak nito na 5 at 4 na taong gulang.

Sa pagsisiyasat ng WPD-DEG, alas 9 ng umaga nang may natanggap silang impormasyon na ginagamit ng suspect ang kanyang dalawang anak sa pagbebenta ng shabu.

Dahil dito, isang pulis ang nagpanggap na buyer kay Briones at habang iniaabot ang shabu, agad itong dinakip ng mga pulis.

Sinabi naman ng dalawang bata at mga anak ng suspect, hindi nila alam na shabu ang ipinagbibili ng kanilang ama at inuutusan lamang silang dalhin ang plastic sachet sa mga bumibili. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BRIONES

DAHIL

DRUG ENFORCEMENT UNIT

ISANG

MAYNILA

NAKILALA

RENATO BRIONES

RUDY ANDAL

ST. PASAY CITY

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with