^

Metro

HDO vs 2 puganteng Intsik

-
Nagpalabas ng Hold Departure Order (HDO) ang Bureau of Immigration laban sa dalawang Chinese na nakatakas sa Quezon City jail noong Martes sa Quezon City.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) director Sr. Supt. Antonio Cruz, may HDO na sina Benjamin Dy at Antonio Tan, kapwa may kasong kidnap-for-ransom sa QCRTC at kabilang sa anim na preso na tumakas noong madaling-araw ng Martes sa pamamagitan ng paglagare sa iron grill ng bintana ng kanilang selda.

Sinabi ni Cruz na ang HDO ay bunsod na rin ng report na kanilang natanggap na posibleng lumabas si Dy at Tan sa Laoag Airport patungo ng Taiwan.

Samantala, bukod sa kasong infidelity in the custody of the prisoner, sinampahan na rin ng kasong gross neglect of duty ang mga jailguard na sina JO3 John Wahing, JO1 Joaquin Campo at JO1 Felix Marcos.

Aniya, kung mapapatunayang nagpabaya sa tungkulin, tatanggalin ang tatlo sa serbisyo. (Ulat ni Doris Franche)

ANTONIO CRUZ

ANTONIO TAN

BENJAMIN DY

BUREAU OF IMMIGRATION

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DORIS FRANCHE

FELIX MARCOS

HOLD DEPARTURE ORDER

JOAQUIN CAMPO

JOHN WAHING

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with