Drug courier ng mga rebelde, timbog
February 15, 2003 | 12:00am
Isang 28-anyos na lalaki ang dinakip ng mga tauhan ng Police Aviation Security Group (PNP-ASG) makaraang makuhanan ng 100 gramo ng shabu na itinago sa suot niyang medyas.
Kinilala ni Chief Supt. Jesus Verzosa, PNP-ASG director ang nadakip na pasahero na si Hadjula Salip Nuh, ng Cawit, Zamboanga City.
Ayon sa tinanggap na ulat, ang suspect na si Nuh ay pasakay na sana sa Cebu Pacific flight 5J-851 nang mahuli ng mga awtoridad habang sumasailalim sa routine check sa departure area ng Manila Domestic Airport.
Nagduda umano ang mga awtoridad sa kilos nito kaya masusing pagsisiyasat ang kanilang isinagawa.
Sa loob ng medyas nito natagpuan ang nakatagong mga shabu.
Sa isinagawang interogasyon, inamin ni Nuh na ipinadala lamang ng isa niyang kaibigan ang naturang shabu na gagamitin umano ng mga rebelde sa kanilang lugar. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest