BIR examiner binoga, patay
February 14, 2003 | 12:00am
Binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspect ang isang examiner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kahapon ng umaga sa Quezon City.
Namatay habang ginagamot sa Quezon City Medical Center ang biktima na si Danilo Balmaceda, 52, sanhi ng tinamong tama ng kalibre .45 baril sa dibdib.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Ramon Fernandez ng CPD investigation unit naganap ang pananambang kay Balmaceda dakong ala-1:20 ng madaling-araw sa tapat ng kanyang bahay sa 111 Molave St., Brgy. Duyan-Duyan, Proj. 3, Quezon City.
Binanggit sa ulat na katatapos pa lamang iparada ng biktima ang kanyang sasakyang Pajero sa tapat ng bahay at pagbaba nito ng sasakyan ay agad nang sinalubong ng suspect na armado ng baril.
Walang sabi-sabing pinagbabaril ng suspect ang biktima at pagkatapos ay kinuha pa ang sasakyan nito na siyang ginamit sa pagtakas.
Dalawang anggulo ang tinitingnan ng pulisya na motibo sa pagpaslang. Posible umanong ito ay kaso ng carnapping o di kaya ay may kinalaman sa posisyon sa BIR ng biktima.
Gayunman, patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon na isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest