3 miyembro ng KFR group, timbog
February 13, 2003 | 12:00am
Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Caloocan City police at ng Police Anti- Crime Emergency Response (PACER) ang tatlong miyembro ng kidnap for ransom syndicate na sangkot sa pagkidnap sa bise presidente ng isang malaking insurance company sa isinagawang operasyon kamakalawa ng hapon sa Intramuros, Manila.
Nakilala ang mga nadakip na suspect na sinasabing miyembro ng bagong tatag na Soto Group na sina Leonardo Soto, 33, lider ng grupo; Paul Vincent Abeng, 20 at Anselmo Rempillo, 39.
Samantalang, isa pa sa kanilang mga kasamahan ang sinasabing nakatakas bitbit ang P500,000 ransom money na ibinigay ng pamilya ng biktimang si Dionisio Dungca Jr., 67, bise-presidente ng Mercantile Insurance Incorporated.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon dakong alas-3:30 ng hapon sa Intramuros Manila, na doon itinakda ang pay-off ng hinihinging P2 milyong ransom.
Nabatid na dalawang babaeng empleyado ni Dungca ang sumama kay Soto sa PCI Bank para doon mag-withdraw ng pera. Nakalahata umano si Soto na sinet-up siya makaraang mapansin ang mga sumusunod na pulis kung kaya mabilis itong tumakas.
Nagkaroon ng ilang minutong habulan na dito nadakip si Soto at dalawang tauhan, habang ang isa na siyang may dala ng pera ay tuluyang nakatakas.
Sa isinagawang interogasyon, sinabi ni Soto na isang pamangkin umano ng biktima ang nag-mastermind sa naturang pagdukot. Pansamantalang itinago muna ang pangalan nito para sa isasagawa pang operasyon.
Si Soto umano ay dati ring naging driver ng biktimang si Dungca. (Ulat nina Danilo Garcia at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest