^

Metro

Multi-milyong halaga ng puslit na gasolina, nasabat

-
Labing-anim na kalalakihan ang nadakip ng pulisya makaraang masamsam sa mga ito ang walong tanker na naglalaman ng gasolina na nakalagay sa 70 at 50 footer container van na nagkakahalaga ng multi-milyong piso, kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Hinihinala ng pulisya na pinuslit ito ng mga suspect na miyembro ng isang malaking sindikato sa isang kompanya ng langis.

Lima sa mga nadakip na suspect ang kinilala ng pulisya. Ito ay sina Ruben Dipolog, 33; Gregorio Valensoza, 22; Rolando Pineda; Ernesto Salonga at Danilo Villar.

Ang pagdakip sa mga suspect ay isinagawa sa bisa ng warrant at seizure arrest na ipinalabas ni Muntinlupa City Regional Trial Court Judge Norma Perello. Ito ay matapos ang isinagawang ilang linggong surveillance ng intelligence unit ng Muntinlupa City police.

Dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang isagawa ang operasyon.

Ang mga epektos na sinasabing nakatakda ay namataan at nasabat ng mga pulis sa kahabaan ng National Road sa Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Nabatid na ang walong nasabat na tanker ay naglalaman ng mga gasolina na nagkakahalaga ng multi-milyong piso. Posible umanong pansamantalang itatago muna ang mga ito ng sindikato at ilabas sakaling tumaas ang presyo dahil sa nakaambang digmaan sa Middle East o di kaya ay ideliber na ito sa kanilang mga kliyente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY PUTATAN

DANILO VILLAR

ERNESTO SALONGA

GREGORIO VALENSOZA

LORDETH BONILLA

MIDDLE EAST

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE NORMA PERELLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with