^

Metro

Lider ng 'Parojinog' 3 miyebro ng ' Butaslac' group arestado

-
Naaresto ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang umano’y lider ng ‘Parojinog Gang’ at tatlong miyembro naman ng ‘Butaslac Robbery Group’ sa Marikina City.

Sa report ni NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco, ang mga nadakip ay nakilalang si Wilson Borromeo, 35, umano’y lider ng Parojinog Gang; Dante Garces, 25; Astroval Balana, 20; at Anthony Perez, 25, na pawang mga miyembro ng ‘Butaslac Robbery Syndicate’.

Ayon kay Velasco, ang Parojinog Gang ay nagsasagawa ng kidnapping, robbery, extortion at carnapping activities sa Quezon City, Marikina, Manila at Region 3. Ang isa pang lider nito na si Raniel Trinidad ay nananatiling nakakalaya.

Samantala, ang Butaslac Group ay sangkot naman sa serye ng carnapping at panghoholdap sa Quezon City at Marikina at matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Lumilitaw na ang pagkakadakip sa mga suspect ay bunsod na rin ng isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Marikina City Police matapos karnapin ang isang kulay puting Mitsubishi Adventure na may plakang XCD-300.

Nakita ang sasakyan sa parking area ng Riverbanks Mall sa Barangka, Marikina na may pekeng plate number.

Nang tanungin ng mga pulis ang mga suspect, bigla na lamang nagtakbuhan ang mga ito na dahilan upang habulin ng mga awtoridad at makorner sa Riverbanks Grill.

Nakuha sa mga suspect ang isang kalibre .45, .38-caliber revolver, cellphone at ilang mga handbags na pinaniniwalaang gamit ng kanilang mga biktima. (Ulat ni Doris Franche)

ANTHONY PEREZ

ASTROVAL BALANA

BUTASLAC GROUP

BUTASLAC ROBBERY GROUP

BUTASLAC ROBBERY SYNDICATE

DANTE GARCES

DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

PAROJINOG GANG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with