^

Metro

UST student nagbaril sa bibig

-
Dahil sa umano’y matinding pressure sa pag-aaral at posibleng kalungkutan, isang solong anak ng opisyal ng gobyerno at architectural student ng University of Sto. Tomas ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa Quezon City.

Naliligo sa sariling dugo at patay na nang matagpuan ang biktimang si Mariano Ramir lV, 22, ng No. 17-B Suzuarrague St., Old Balara, sa kanyang kuwarto sanhi ng tinamong isang tama ng .9mm kalibreng baril sa bibig na lumagos sa kanang bahagi ng kanyang ulo.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Ruel Vacaro ng Scene of the Crime Office ng Central Police District, dakong alas-10:25 ng umaga nang makita nina Floriza at Francisco Flores, mga pinsan ng biktima ang bangkay ng huli na nakahandusay sa kanyang kuwarto.

Anila, bago ang pagpapakamatay ng biktima napansin ng kanyang kaanak na madalas na balisa at parating nagkukulong sa kanyang kuwarto bilang paghahanda sa kanyang thesis deliberation na nakatakda sana ngayong araw.

Hinihinala na posibleng sobrang pressure sa pag-aaral ang nagbunsod sa biktima upang manghina ang loob nito at matakot na bumagsak sa kanyang defense. Posibleng hindi rin umano handa ang biktima sa kanyang thesis deliberation kaya sa matinding takot na bumagsak at maantala sa kanyang pagtatapos sa kurso ay kinitil na lamang ang kanyang buhay.

Nabatid na si Ramir ay solong anak umano ni National Housing Authority director Mariano Ramir III na isa ring engineer. (Ulat ni Ellen Fernando)

B SUZUARRAGUE ST.

CENTRAL POLICE DISTRICT

ELLEN FERNANDO

FRANCISCO FLORES

KANYANG

MARIANO RAMIR

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

OLD BALARA

QUEZON CITY

RUEL VACARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with