^

Metro

Lagayan ng court hearing ng mga pulis, malala

-
Tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang malalang lagayan ng mga sindikato o ordinaryong mga suspect sa mga pulis na may hawak sa kanilang kaso na kanilang nilalagyan upang hindi na dumalo sa mga pagdinig sa korte sanhi upang madismis ang mga kaso nito.

Dahil dito, binigyang diin ni PNP chief Director General Hermogenes Ebdane sa mga pulis na obligasyon nila ang dumalo sa mga court hearing kasabay nang babala na mananagot ang mga pulis na napatunayang nakikipag-ayos sa mga suspect.

Ito ay matapos na makarating sa kanya ang ulat na napakaraming kaso ang nailalaglag sa korte dahil sa kapabayaan ng mga officer on case.

Bilang halimbawa, inaprubahan ni Ebdane ang pagde-demote kay dating PO3 Rafael Espadero ng Navotas Police Station sa ranggong PO2 bilang parusa sa ‘serious neglect of duty’ dahil sa hindi pagdalo sa mga naka-schedule niyang court hearings.

Base sa rekord, hindi umano dumalo si Espadero sa mga hearing bilang isang prosecution witness sa kasong illegal possession of firearms noon pang 1998 sa Navotas Municipal Trial Court sanhi upang idismis ng korte ang kaso.

Upang hindi lumala ang sitwasyon, inatasan ni Ebdane si Chief Supt. Marcelo Ele Jr.,acting director for investigation and detective management na makipag-ugnayan sa national prosecution service para masiguro na lahat ng court hearings na nakatalaga sa mga pulis ay madadaluhan ng mga ito.

Bukod sa parusang demosyon, sinabi ni Ebdane na papatawan rin niya ng mas mabigat na kaparusahan tulad ng pagkasibak sa tungkulin at pagsasampa ng kasong kriminal ang mga pulis na hindi dumadalo sa mga court hearing at ang ilan marahil ay nakikipagsabwatan sa mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

EBDANE

MARCELO ELE JR.

NAVOTAS MUNICIPAL TRIAL COURT

NAVOTAS POLICE STATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAFAEL ESPADERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with