Lola na bugaw at user, timbog
February 6, 2003 | 12:00am
Isang lola ang nadakip matapos nitong onsehin ang dalawang dalaga na kanyang binugaw sa isang Arabo, hanggang sa nabisto ang kanyang paggamit ng shabu kahapon sa Parañaque City.
Ang suspect ay kinilala na si Gilda Holena, 50, residente ng #1355 Mactan St., Baclaran, ng nasabing lungsod.
Samantala, ang mga biktima ay nakilalang sina Josephine, 20; at Jean, 17, (di-tunay na pangalan) kapwa nakatira sa nabanggit na lugar.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9 kamakalawa ng gabi nang kumbinsihin ni Holena ang dalawang dalaga na magtungo sa bahay ng isang Arabo na nagngangalang "Fahad".
Dala ang susi sa kuwarto ni Fajad ay nagsadya ang dalawa sa Rm. 22 Crown Tower sa Dela Costa St., Salcedo Village, Makati City kapalit ng pangako na tig-isang libong piso na ibibigay sa kanila pagkatapos ng serbisyo sa Arabo.
Dakong alas-4 ng madaling-araw kahapon nang umuwi ang dalawang dalaga sa bahay ni Holena upang kunin ang kanilang bayad sa pagsiping sa Arabo subalit hindi sila pinansin ng bugaw.
Dala ng galit ng dalawang dalaga, nagsuplong sila sa pulisya at kinasuhan ng estafa si Holena. Pinuntahan ng pulis ang bahay ni Holena at nang halughugin ang loob ng silid nito ay tumambad ang mga shabu paraphernalia na umanoy gamit ng matanda sa kanyang bisyo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended