Humoldap sa East West Bank, arestado
February 6, 2003 | 12:00am
Nadakip na ng mga tauhan ng Central Police District Intelligence Unit ang isa sa anim na suspect na sangkot sa holdapang naganap sa automated teller machine (ATM) ng East West Bank noong Enero 30 sa Quezon City.
Iniharap nina QC Mayor Feliciano Belmonte at CPD director Senior Supt. Napoleon Castro ang nadakip na suspect na si Ruben Ricabar, 40, na umanoy miyembro ng Gonzales Robbery Gang na sinasabing remnants naman ng Paracale Gang.
Si Ricabar ay dinakip ng mga awtoridad makaraang positibo itong kilalanin ng security guard sa nabanggit na bangko.
Nabatid pa na ang grupo rin ni Ricabar ang siyang sangkot sa panghoholdap sa isa pang branch ng East West Bank noong nakaraang taon.
Isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang mga security guard sa bangko dahil sa hindi pa inaalis ng pulisya ang anggulong "inside job" dito. Kaduda-dudang alam ng mga suspect ang oras ng paglalagay ng pera sa kanilang mga ATM machine.
Pinaghahanap pa ang iba pang kasamahan ni Ricabar. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended