GSIS hindi na magpapautang sa EC Fund
February 5, 2003 | 12:00am
Upang hindi na maapektuhan ang pondo ng Government Service Insurance System (GSIS), hindi na uli ito maglalabas ng pondo para sa Employees Compensation Fund (ECF).
Umaabot na sa P3.6 bilyon ang naipautang ng GSIS sa ecf.
Ayon kay GSIS SVP-Corporate Affairs Enriqueta Disuangco sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Civil Service na kailangang maunawaan ng gobyerno na hindi maaaring habambuhay na tustusan ng GSIS ang kakulangan sa pondo ng ECF.
Kapag nagpatuloy aniya ang nasabing gawain ay maaapektuhan ang iba pang pondo ng GSIS maging ang benepisyong dapat ibigay sa mga miyembro nito.
Bukod sa 1.4 milyong GSIS members, saklaw din ng ECF ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureauof Fire and Protection at Bureau of Jail Management. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am