^

Metro

Shootout: 3 napatay ng pulis

-
Nabaril at napatay ng mga tauhan ng Traffic Management Group (TMG) ang tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng carnapping syndicate makaraang manlaban sa mga awtoridad, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Isa sa nasawing mga suspect ay nakilalang si Dionisio de Vera, 22, ng J.P Rizal, Bagong Silang , Quezon City. Patay na ito nang idating sa QC Medical Center, samantala ang dalawa pa na hindi nakikilala ay may taas na 5’3 talampakan, nasa 25-hanggang 35 ang edad, katamtaman ang laki ng pangangatawan.

Ayon sa ulat ang insidente ay naganap dakong alas-10:50 ng gabi sa Temple Avenue, Greenmeadows Subdivision ng nasabing lungsod.

Nabatid na namataan ng mga tauhan ng TMG ang Toyota Lite Ace na kulay pula sa panulukan ng Ortigas Avenue at Meralco Avenue sa Pasig City. Ang naturang sasakyan ay nakaalarma na isang carnap vehicle.

Dahil sa kahina-hinalang kilos ng mga suspect, sinundan ito ng mga tauhan ng TMG hanggang sa makarating sa Quezon City.,

Tinangka ng mga pulis na parahin ang mga suspect subalit bigla na lamang silang pinaputukan ng mga ito, kaya napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok.

Pawang nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ulo ang tatlo kaya may hinalang hindi shootout ang naganap kundi posibleng rubout.

Iginiit naman ng pulisya na ang tatlong suspect ay mga miyembro ng Sputnik Gang na sangkot sa serye ng carnapping incident sa Metro Manila. (Ulat ni Doris Franche)

BAGONG SILANG

DORIS FRANCHE

GREENMEADOWS SUBDIVISION

MEDICAL CENTER

MERALCO AVENUE

METRO MANILA

ORTIGAS AVENUE

P RIZAL

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with