Sa report ng Intelligence and Enforcement Group (IEG) Deputy Commissioner Ray Allas, ang nasabing shipment na inalerto noon pang Enero 16, 2003 ay idineklara na 31 mga pakete ng Electronic Chemical Preparations Acidity Detergent, na ginagamit sa pagpoproseso sa mga litrato.
Sinabi pa ni BOC Commissioner Antonio Bernardo na nagmula ang nasabing shipment sa bansang China at naka-consigned sa isang nagngangalang Hsu Ying Chin.
Sa isinagawang eksaminasyon sa naturang kargamento, nabatid na ito nga ay mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu.
Ang shipment ay nakatakdang i-turn over ng BOC sa Philippine Drug Enforcement Authority.
Aalamin pa ng mga awtoridad ang mga taong nasa likod ng pagpapasok nito sa bansa. (Ulat nina Grace dela Cruz at Jhay Mejias)