^

Metro

P100-M halaga ng shabu nasabat ng BOC

-
Humigit-kumulang sa P100-M halaga ng mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) lulan ng isang 20-footer container van kahapon ng umaga sa Manila International Container Port (MICP), North Harbor, Manila.

Sa report ng Intelligence and Enforcement Group (IEG) Deputy Commissioner Ray Allas, ang nasabing shipment na inalerto noon pang Enero 16, 2003 ay idineklara na 31 mga pakete ng Electronic Chemical Preparations Acidity Detergent, na ginagamit sa pagpoproseso sa mga litrato.

Sinabi pa ni BOC Commissioner Antonio Bernardo na nagmula ang nasabing shipment sa bansang China at naka-consigned sa isang nagngangalang Hsu Ying Chin.

Sa isinagawang eksaminasyon sa naturang kargamento, nabatid na ito nga ay mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu.

Ang shipment ay nakatakdang i-turn over ng BOC sa Philippine Drug Enforcement Authority.

Aalamin pa ng mga awtoridad ang mga taong nasa likod ng pagpapasok nito sa bansa. (Ulat nina Grace dela Cruz at Jhay Mejias)

AALAMIN

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

DEPUTY COMMISSIONER RAY ALLAS

DRUG ENFORCEMENT AUTHORITY

ELECTRONIC CHEMICAL PREPARATIONS ACIDITY DETERGENT

HSU YING CHIN

INTELLIGENCE AND ENFORCEMENT GROUP

JHAY MEJIAS

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

NORTH HARBOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with