Sa pakikipagpulong kahapon ni MMDA chairman at DPWH Secretary Bayani Fernando, inihayag nito ang planong ipatupad ang "odd-even scheme" sa mga pampasaherong bus na dumaraan sa EDSA Avenue.
Magugunitang simula kahapon hanggang sa darating na Pebrero 21, pansamantalang sinuspinde ng MMDA ang UVVRP sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila maliban sa Makati City.
Pagsubok lamang umano ito ng ahensiya kung magiging epektibo na walang traffic scheme sa Metro Manila.
Subalit kahapon pa lamang, dumanas na ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang libu-libong motorista at nagmistulang malaking parking area ang ilang pangunahing lansangan dito, tulad ng South at North Expressway at ang Coastal Road.
Sakaling aprubahan ng Metro Manila Mayors Council ang bagong traffic scheme, susubukan itong ipatupad sa lahat ng bus na dumaraan sa EDSA upang malaman kung gaano ka-epektibo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)