^

Metro

Kapalit ng color-coding scheme niluluto

-
Isang bagong traffic scheme ngayon ang pinag-aaralang ipatupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) bilang kapalit ng sinuspindeng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) upang higit na maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa pakikipagpulong kahapon ni MMDA chairman at DPWH Secretary Bayani Fernando, inihayag nito ang planong ipatupad ang "odd-even scheme" sa mga pampasaherong bus na dumaraan sa EDSA Avenue.

Magugunitang simula kahapon hanggang sa darating na Pebrero 21, pansamantalang sinuspinde ng MMDA ang UVVRP sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila maliban sa Makati City.

Pagsubok lamang umano ito ng ahensiya kung magiging epektibo na walang traffic scheme sa Metro Manila.

Subalit kahapon pa lamang, dumanas na ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang libu-libong motorista at nagmistulang malaking parking area ang ilang pangunahing lansangan dito, tulad ng South at North Expressway at ang Coastal Road.

Sakaling aprubahan ng Metro Manila Mayors Council ang bagong traffic scheme, susubukan itong ipatupad sa lahat ng bus na dumaraan sa EDSA upang malaman kung gaano ka-epektibo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

COASTAL ROAD

ISANG

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA MAYORS COUNCIL

NORTH EXPRESSWAY

SECRETARY BAYANI FERNANDO

UNIFIED VEHICULAR VOLUME REDUCTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with