Ayon kay Icaonapo, mas makabubuti kung isasabay ang botohan ng Cha-Cha sa eleksiyon na gagawin sa susunod na taon.
Isa lamang ang nakikita niyang paraan upang maamyendahan ang konstitusyon at ito ang pagsasagawa ng election of delegates sa Constitutional Assembly.
Aniya, kung isasagawa ang Cha-Cha sa pamamagitan ng Constituent Assembly ngayon, maraming maliliit na mamamayan ang mas lalong mahihirapan dahil maraming pulitiko ang hindi naman isinasakatuparan ang kanilang mga programa para sa kanilang nasasakupan.
Sa katunayan, umano, halos nawawala na ang tiwala ng mga mamamayan sa mga pulitiko.
Mas mabuti pa umanong tapusin ng mga mambabatas ang mga nakabinbing panukala upang makaranas naman ng ginhawa ang mga mamamayan. (Ulat ni Doris Franche)