^

Metro

Cha-Cha 'waster of time' – IBP

-
Tahasang sinabi ni dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) Atty. Jose Icaonapo, Jr. na pagsasayang lamang ng panahon ang usapin hinggil sa Charter Change.

Ayon kay Icaonapo, mas makabubuti kung isasabay ang botohan ng Cha-Cha sa eleksiyon na gagawin sa susunod na taon.

Isa lamang ang nakikita niyang paraan upang maamyendahan ang konstitusyon at ito ang pagsasagawa ng election of delegates sa Constitutional Assembly.

Aniya, kung isasagawa ang Cha-Cha sa pamamagitan ng Constituent Assembly ngayon, maraming maliliit na mamamayan ang mas lalong mahihirapan dahil maraming pulitiko ang hindi naman isinasakatuparan ang kanilang mga programa para sa kanilang nasasakupan.

Sa katunayan, umano, halos nawawala na ang tiwala ng mga mamamayan sa mga pulitiko.

Mas mabuti pa umanong tapusin ng mga mambabatas ang mga nakabinbing panukala upang makaranas naman ng ginhawa ang mga mamamayan. (Ulat ni Doris Franche)

ANIYA

AYON

CHARTER CHANGE

CONSTITUENT ASSEMBLY

CONSTITUTIONAL ASSEMBLY

DORIS FRANCHE

ICAONAPO

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

ISA

JOSE ICAONAPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with