3 'Hip Hop Boys' inaresto sa tangkang holdap
February 3, 2003 | 12:00am
Naunsyami ang tangkang panghoholdap ng tatlong kabataan na hinihinalang "Hip Hop Boys" sa isang convinient store makaraang agad na madakip ng mga rumespondeng pulis kahapon ng madaling araw sa Malabon.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspect na sina Ronald Villanueva, 19; Juny Boy Yuhanon, 18 at Mario Mahinay, 23, pawang tubong Masbate at residente ng Letre Road ng nabanggit ding munisipalidad.
Sa ulat ng pulisya, alas 2 ng madaling araw nang makatanggap sila ng tawag na may tatlong kahina-hinalang lalaki na nasa harapan ng KIDS and MOM Convinient Store sa Sanciangco St. Tunsuya, Malabon.
Agad na nagresponde ang grupo ng Special Operation Group ng Malabon police at namataan ang mga suspect na naghihintay ng kanilang pagkakataon.
Nang akmang papasok, agad na nilapitan ng mga taga-SOG ang mga suspect kung saan nakuha sa mga ito ang jungle knife, tatlong berdeng bonnet, tatlong pares na guwantes na itim at tatlong sachet ng shabu at aluminum foil.
Ang mga ito ay sasampahan ng kaukulang kaso sa korte. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended