^

Metro

Ama pinatay ang sariling anak dahil sa bisikleta

-
Dahil lamang sa bisikleta, kalunus-lunos ang sinapit ng isang 21-anyos na binata makaraang bugbugin at mapatay ng kanyang amang addict sa Pasig City.

Dead-on-arrival sa Pasig City General Hospital ang biktima na nakilalang si Andrew Olesco, ng 4219 St. Paul St. SPS Compound, Brgy. Rosario Pasig matapos na magtamo ng " intercranial bleeding secondary to traumatic injury".

Samantalang nahaharap naman sa kasong parricide ang suspect na si Gil Olesco Sr., 49, electrician matapos na mapatay ang anak.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Lardy Ignacio, alas-11:35 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Kararating lamang ng suspect na lasing sa ipinagbabawal na gamot at tinanong ang biktma kung saan nito nilagay ang bisikleta.

Nang hindi maituro ng biktima, sunud-sunod na sipa, suntok at palo ng kahoy ang tinamo nito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Natapos lamang ang pambubugbog ng suspect nang makitang bumagsak ang anak at nawalan ng malay-tao. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANDREW OLESCO

BATAY

BRGY

GIL OLESCO SR.

JOY CANTOS

LARDY IGNACIO

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

ROSARIO PASIG

ST. PAUL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with