Sa naganap na pagpupulong ng mga Metro Manila Mayors sa MMDA, inaprubahan ng mga ito ang suspensiyon ng nasabing traffic scheme mula Pebrero 3 hangggang 21.
Ang suspensiyon ay ipatutupad lamang sa mga lugar na kinabibilangan ng EDSA, C-5 road at South Super Highway.
Ipatutupad din sa ibang lungsod at bayan ang color coding maliban sa Makati kung kayat maaari nang hulihin ang motoristang papasok sa lugar ng Makati.
Nabatid na ang tatlong linggong suspensiyon ng color coding ay bahagi lamang ng eksperimento ng MMDA sakaling tuluyan nang buwagin ang nasabing traffic scheme. (Ulat ni Lordeth Bonilla)