^

Metro

Color coding suspindido

-
Inaasahang makararanas ng matinding trapik sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila makaraang suspindihin ng tatlong linggo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang color coding o Unified Vehicular Volume Reduction Scheme (UVVRS).

Sa naganap na pagpupulong ng mga Metro Manila Mayors sa MMDA, inaprubahan ng mga ito ang suspensiyon ng nasabing traffic scheme mula Pebrero 3 hangggang 21.

Ang suspensiyon ay ipatutupad lamang sa mga lugar na kinabibilangan ng EDSA, C-5 road at South Super Highway.

Ipatutupad din sa ibang lungsod at bayan ang color coding maliban sa Makati kung kaya’t maaari nang hulihin ang motoristang papasok sa lugar ng Makati.

Nabatid na ang tatlong linggong suspensiyon ng color coding ay bahagi lamang ng eksperimento ng MMDA sakaling tuluyan nang buwagin ang nasabing traffic scheme. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

INAASAHANG

IPATUTUPAD

LORDETH BONILLA

MAKATI

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA MAYORS

NABATID

SOUTH SUPER HIGHWAY

UNIFIED VEHICULAR VOLUME REDUCTION SCHEME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with