^

Metro

Bangko sa QC hinoldap

-
Tila hindi natinag ang mga holdaper sa kontrobersiyal na "salvaging" ng umano’y apat na kriminal makaraang holdapin kahapon ng umaga ang automated teller machine ng EastWestBank sa Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Central Police District-District Police Intelligence Unit (CPD-DPIU), naganap ang panghoholdap dakong alas-9:45 ng umaga sa sangay ng naturang bangko sa panulukan ng Congressional at Mindanao Avenue sa Q.C.

Ayon kay Chief Insp. Rodolfo Jaraza, hepe ng DPIU, kasalukuyang naglalagay ng pera sa ATM na nasa gilid ng bangko ang isang empleyado ng bangko nang biglang tutukan ng dalawang lalaki na umano’y kapwa armado ng kalibre .45 baril.

Sapilitang kinuha at tinangay ang pera na tinatayang umaabot sa kalahating milyon.

Nabatid naman sa mga saksi na isa pa sa mga suspect ay pumasok ng bangko bago tuluyang tumakas sakay ng isang kulay maroon na Toyota Tamaraw FX at patungo sa North Ave.

Hindi pa malaman ng pulisya kung mayroong nakuhang pera mula mismo sa mga kahera ng bangko habang isinasagawa din ang imbestigasyon kung "inside job" ang insidente. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

CENTRAL POLICE DISTRICT-DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

CHIEF INSP

DORIS FRANCHE

MINDANAO AVENUE

NABATID

NORTH AVE

QUEZON CITY

RODOLFO JARAZA

TOYOTA TAMARAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with