^

Metro

Trader binoga ang karibal

-
Upang wala nang makaagaw pa sa babaeng minamahal, mas ninais ng isang negosyante na paslangin ang umano’y karibal nito kahapon ng madaling-araw sa Sta. Ana, Manila.

Ang suspect na si Lito Villafrancia, residente ng 3576 B. Aires St., Sta. Ana ay pinaghahanap na ng mga awtoridad at nakatakdang sampahan ng kasong murder.

Habang ang biktimang si Mario Perez, 24, stay-in helper sa 3576 ay namatay noon din matapos na barilin sa sentido.

Nabatid mula sa ulat ng pulisya na dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa loob ng vulcanizing shop na pag-aari ni Aniceto Villafrancia, 41, tiyuhin ng suspect naganap ang insidente.

Bago maganap ang insidente ay nakipag-inuman muna umano ang biktima sa mag-amang Aniceto at Jaime, 23, nang bigla na lamang dumating ang suspect.

Sinasabing nagalit umano ang suspect nang komprontahin ito ng biktima kaugnay sa umano’y panliligaw nito sa live-in partner ng huli na si Flordeliza Cortez, 22.

Posible umanong naghihinala ang biktima laban sa suspect na may relasyon ito sa nabanggit na live-in partner.

"Malamang nagselos ang biktima kaya lang naunahan siya ng suspect," ani pa ni Aniceto. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AIRES ST.

ANICETO

ANICETO VILLAFRANCIA

CRUZ

FLORDELIZA CORTEZ

HABANG

JAIME

LITO VILLAFRANCIA

MALAMANG

MARIO PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with