^

Metro

P150-M halaga ng pirated VCD nasamsam

-
Tinatayang may 150 milyong pisong halaga ng mga pirated VCD at makina ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Northern Police District Office (NPDO) at Videogram Regulatory Board (VRB) kasabay ng pagkakaaresto ng tatlong Chinese nationals sa isinagawang operasyon kahapon ng hapon sa Valenzuela City.

Kinilala ni Supt. Marcelino Franco Jr., hepe ng NPDO ang mga naaresto na sina Huang Shang Ti, Jang Miing Zhi at Zheng Huo Yan.

Ang tatlo ang siyang itinuturong umano’y responsable sa paggawa ng pirated VCD sa Kamaynilaan.

Dakong alas-2 ng hapon nang magsagawa ng pagsalakay ang pinagsanib na puwersa ng NPD-VRB sa pangunguna ni Bong Revilla sa Dizon compound, Maysan Road, Valenzuela City base na rin sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC).

Nabatid na magsasagawa lamang ng routine inspection ang grupo ni C/Insp. Efren Yadao, hepe ng Valenzuela Bureau of Fire Protection (BFP) nang aksidenteng madiskubre ang nasabing pabrika.

Ayon kay Yadao, tumanggi umanong magpapasok at magpainspeksiyon ang tatlong Chinese national na naaresto kung kaya’t nagkaroon ng hinala ang mga awtoridad, dahilan upang magsagawa ng surveillance ang mga kagawad ng BFP upang matiyak na mayroong itinatagong illegal ang nasabing pabrika.

Kaagad ding nakipag-ugnayan ang grupo ni Yadao sa mga awtoridad at VRB hanggang sa makakuha sila ng search warrant at mabilis na isinagawa ang operasyon.

Matapos ang pagsalakay ay nadiskubre ang tinatayang P150-M halaga ng mga pirated VCD at isang makina na ginagamit sa paggawa nito at naaresto ang mga suspect.

Napag-alaman na ito ang ikalawang pagkakataon na nagsagawa ng pagsalakay ang grupo ni Revilla sa Valenzuela City noong nakaraang taon kung saan pitong Chinese national ang naaresto at may P300 milyong halaga ng mga gamit sa paggawa ng mga pirated VCD ang nakumpiska sa isang pabrika sa Brgy. Ugong, Valenzuela City. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BONG REVILLA

EFREN YADAO

GEMMA AMARGO

HUANG SHANG TI

JANG MIING ZHI

MARCELINO FRANCO JR.

MAYSAN ROAD

NORTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with