Lalaki pinasabog ang bungo

Sabog ang ulo ng isang 21-anyos na lalaki makaraang barilin ng tatlong kalalakihan habang papauwi sa kanyang bahay, kahapon ng madaling- araw sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang biktima na nakilalang si Joey Morales-Taco, 1-A Lirio St., Zone, Barangay Old Capitol, Diliman Quezon City sanhi ng isang tama ng bala sa ulo.

Samantalang, pinaghahanap naman ang magkapatid na suspect na sina Roberto at Randy Lim, kapwa ng 14 Lirio St. Zone 6 at tatlong iba pa na hindi agad nakuha ang mga pangalan.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling-araw sa tapat mismo ng bahay ng biktima.

Papauwi na ang biktima nang biglang harangin ng mga suspect at binaril ng malapitan ng mga suspect.

Batay sa nakalap na impormasyon ng pulisya na matagal nang alitan ang posibleng motibo sa pagpaslang sa biktima. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments