^

Metro

Negosyante umawat, patay sa 2 adik

-
Hindi akalain ng isang negosyante na ang kanyang pag-awat ang magiging dahilan ng kanyang maagang kamatayan makaraang pagsasaksakin ng dalawang drug addict kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Medical Memorial Center ang biktima na nakilalang si Eduardo Barroga, 46, may asawa at nakatira sa 114 Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Samantalang arestado naman ang isa sa dalawang suspect na nakilalang si Manolito Isip alyas Cocoy, 32 , vendor at residente ng P. Guevarra St. Sta. Cruz samantalang pinaghahanap naman ang kasamahan nito na nakilala sa pangalang Balong.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala 1:15 ng madaling araw habang mag-isang umiinon sa 3 Brothers Videoke Bar ang biktima nang biglang awayin ng dalawang suspects ang waiter ng bar. Umawat ang biktima subalit siya naman ang pinagbalingan ng mga suspects hanggang sa pagsasaksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BALONG

BROTHERS VIDEOKE BAR

CRUZ

EDUARDO BARROGA

GUEVARRA ST. STA

JOSE REYES MEDICAL MEMORIAL CENTER

MANOLITO ISIP

MAYNILA

RIZAL AVENUE

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with