Ayon sa inihaing petisyon nina Lina at Avenido sa tanggapan ni SC Deputy Administrator Zenaida Elepano, kinasuhan ng mga ito ng labis na kamangmangan sa batas si Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 224 Judge Emilio Leanchon matapos na ipalabas nito ang kautusan na pagbabasura sa search warrant laban sa mga nadakip na dayuhan sa pagsasabing may malisya ang naturang warrant.
Nabatid na nag-ugat ang kaso makaraang madakip ang pitong suspected drug traffickers na sina Jimmy Chua, Man Chuck Li, Willy Ang, Tom Chua, Lai Nar, Sam Li Chua, Concepcion Andohon at ang tatlo pang Pinoy na sina Jessilyn Larnosa, Sally Ong at Jamil Maranay noong nakalipas na Hulyo 16, 2002 sa Varsity Hills sa Loyola, Quezon City.
Narekober sa mga akusado ang may 40-libo ng shabu at 949-libong gramo ng ephedrine at iba pang shabu paraphernalias sa bisa ng ipinalabas na search warrant ni Manila RTC Judge Enrico Lanzanas.
Naghain ng mosyon ang mga akusado na agad namang pinayagan ni Judge Leachon kayat napalaya ang mga ito.
Bukod dito iniutos din ni Leanchon ang pagbabalik sa mga nakuhang ebidensiya sa mga nadakip.
Sa desisyon ni Leachon noong Nobyembre 15, 2002, sinabi nito na walang kapangyarihan si Manila RTC Judge Enrico Lanzanas na magpalabas ng warrant dahil wala naman umano itong ginawang searching inquiry o pagbusisi ng husto sa inihaing demanda.
Umapela naman ang PDEA sa ginawa ng judge kay QCRTC Judge Jaime Salazar, ang bagong hukom na hahawak sa kaso na bumaligtad naman sa desisyon na Leanchon at muling ipinadakip ang mga hinihinalang drug dealers.
Anim pa lamang sa mga akusado ang muling nadakip.(Ulat nina Grace Amargo at Doris Franche)