5-anyos todas sa baril ng ama
January 23, 2003 | 12:00am
Isang tama ng bala sa singit ang tuluyang tumapos sa buhay ng isang 5-anyos na batang lalaki matapos na paglaruan ang baril ng pulis nitong ama sa Marikina City kahapon ng tanghali.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa San Victoria Hospital ang biktima na kinilala ni Marikina City Police Chief P/Sr. Supt. Leonardo Espina na si Mark Anthony Dacio, residente ng Sitio Bulalak, Brgy. Malanday, Marikina City.
Ang biktima ay anak ni PO2 Antonio Dacio, nakatalaga sa Station 5 ng Western Police District Command.
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Edwin Arce, dakong alas-11:45 ng tanghali habang kasalukuyang kumakain ang mag-anak ni PO2 Dacio nang marinig ang isang malakas na putok ng baril mula sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.
Napasugod ng takbo si Dacio sa itaas ng kanilang tahanan at ditoy tumambad ang duguang anak.
Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit hindi na naisalba ang buhay nito matapos magtamo ng malalim na tama ng bala mula sa service firearm na 9mm pistola ng kanyang ama.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na nakalagay ang baril ni Dacio sa drawer at habang kumakain ay hindi nito napansin na umakyat ang bata na dahil sa sobrang kalikutan ay nagawang paputukin ang baril na inakala nitong laruan.
Nabatid pa na unang kinalikot ng bata ang pitaka ng ama hangang sa balingan naman ang baril nito.
Pinag-aaralan naman ngayon ng pulisya kung sasampahan ng kaso ang amang pulis ng biktima sanhi ng aksidenteng pagkamatay ng kanyang anak na sarili pa nitong service firearm ang naging sanhi. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am