Awayan sa parking space tanod napatay ng pulis
January 23, 2003 | 12:00am
Dahil lamang sa awayan sa parking space, nakuhang barilin at mapatay ng isang traffic policeman ang isang barangay tanod, kahapon ng umaga sa Intramuros, Manila.
Namatay noon din ang biktimang si Alfredo dela Cruz, 27, ng Maeztranza Compound, Intramuros, bunga ng tinamong tama ng bala sa dibdib.
Habang ang suspect na si SPO2 Arnel Fabines, 44, nakatalaga sa WPD-Traffic Enforcement Group ay kasalukuyang iniimbestigahan kaugnay sa pangyayari.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa nabanggit na lugar. Nabatid na nagtalo umano ang isang Joel Manginimba, 21, at isang nagngangalang Cris dahil sa parking space sa likod ng Bureau of Immigration.
Bunga ng nasabing pagtatalo ay umawat naman ang biktima at habang umaawat ito ay dumating ang pulis na hiningan din ng tulong ng live-in partner ni Manginimba.
Agad na nagbigay ng warning shot ang pulis, bagay naman na pinagsimulan ng kanilang diskusyon ng nasawi.
Ilang sandali pa, ang pulis at tanod na ang nagtatalo hanggang sa bigla na lamang paputukan ng baril ng pulis ang biktimang tanod.
Sinabi naman ng suspect na napilitan umano siyang barilin ang biktima dahil sa may hawak na itong patalim. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended